21Ang salita+ na dumating kay Jeremias mula kay Jehova, nang isugo sa kaniya ni Haring Zedekias+ si Pasur+ na anak ni Malkias at si Zefanias+ na anak ni Maaseias, ang saserdote, na nagsasabi:
2 “Pakisuyong mag-usisa ka kay Jehova para sa amin,+ sapagkat si Nabucodorosor na hari ng Babilonya ay nakikipagdigma laban sa amin.+ Marahil ay gagawin ni Jehova sa amin ang ayon sa lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa, anupat uurong siya mula sa amin.”+