11 “Ano ang pakinabang ko sa karamihan ng inyong mga hain?” sabi ni Jehova. “Tama na sa akin ang mga buong handog na sinusunog+ na mga barakong tupa+ at ang taba ng mga patabaing hayop;+ at sa dugo+ ng mga guyang toro at mga lalaking kordero at mga kambing na lalaki+ ay hindi ako nalulugod.+
22 Sapagkat hindi ako nagsalita sa inyong mga ninuno, ni nag-utos man ako sa kanila nang araw na ilabas ko sila mula sa lupain ng Ehipto may kinalaman sa buong handog na sinusunog at hain.+
22 Ngunit kung maghahandog kayo sa akin ng mga buong handog na sinusunog,+ maging sa inyong mga handog na kaloob ay hindi ako makasusumpong ng kaluguran,+ at ang inyong mga haing pansalu-salo na mga patabain ay hindi ko titingnan.+