-
Nehemias 9:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Kaya tumanggi silang makinig,+ at hindi nila inalaala+ ang iyong mga kamangha-manghang pagkilos na iyong isinagawa sa kanila, kundi pinatigas nila ang kanilang leeg+ at nag-atas sila ng isang ulo+ upang bumalik sa kanilang pagkaalipin sa Ehipto. Ngunit ikaw ay isang Diyos ng mga pagpapatawad,+ magandang-loob+ at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana+ sa maibiging-kabaitan, at hindi mo sila iniwan.+
-
-
Jeremias 9:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 “Kundi ang nagyayabang tungkol sa kaniyang sarili ay magyabang dahil sa mismong bagay na ito, sa pagkakaroon ng kaunawaan+ at sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa akin, na ako ay si Jehova,+ ang Isa na nagpapakita ng maibiging-kabaitan, katarungan at katuwiran sa lupa;+ sapagkat ang mga bagay na ito ay kinalulugdan ko,”+ ang sabi ni Jehova.
-