5 At ang mismong lupain ay narumhan sa ilalim ng mga tumatahan dito,+ sapagkat kinaligtaan nila ang mga kautusan,+ binago ang tuntunin,+ sinira ang tipang namamalagi nang walang takda.+
18 At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang,+ ‘Sa mga tuntunin ng inyong mga ninuno ay huwag kayong lumakad,+ at ang kanilang mga kahatulan ay huwag ninyong ingatan,+ at sa kanilang mga karumal-dumal na idolo ay huwag kayong magpakarungis.+