Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 28:58
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 58 “Kung hindi mo maingat na tutuparin ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nakasulat sa aklat+ na ito upang matakot sa maluwalhati+ at kakila-kilabot+ na pangalang ito, si Jehova+ nga, na iyong Diyos,

  • 1 Cronica 16:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ipaghambog ninyo ang kaniyang banal+ na pangalan,+

      Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.+

  • Awit 89:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Ang Diyos ay dapat kasindakan sa gitna ng matalik na kapisanan ng mga banal;+

      Siya ay dakila at kakila-kilabot sa lahat ng nasa palibot niya.+

  • Awit 99:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Purihin nila ang iyong pangalan.+

      Dakila at kakila-kilabot, iyon ay banal.+

  • Isaias 6:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At ang isang ito ay tumawag sa isang iyon at nagsabi: “Banal, banal, banal si Jehova ng mga hukbo.+ Ang kabuuan ng buong lupa ay kaniyang kaluwalhatian.”

  • Malakias 1:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “At sumpain siya na kumikilos nang may katusuhan kapag may hayop na lalaki sa kaniyang kawan, at siya ay nananata at naghahain kay Jehova ng isang may pinsala.+ Sapagkat ako ay dakilang Hari,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “at ang aking pangalan ay magiging kakila-kilabot sa gitna ng mga bansa.”+

  • Lucas 1:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 49 sapagkat ang Isa na makapangyarihan ay gumawa ng dakilang mga gawa para sa akin, at banal ang kaniyang pangalan;+

  • Apocalipsis 4:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At kung tungkol sa apat na nilalang na buháy,+ ang bawat isa sa kanila ay may tig-aanim na pakpak;+ sa palibot at sa ilalim ay punô sila ng mga mata.+ At wala silang pahinga araw at gabi habang kanilang sinasabi: “Banal, banal, banal ang Diyos na Jehova,+ ang Makapangyarihan-sa-lahat,+ ang nakaraan at ang ngayon+ at ang darating.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share