Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ingatan ninyo at gawin ninyo ang mga iyon, sapagkat ito ay karunungan+ sa ganang inyo at pagkaunawa+ sa ganang inyo sa paningin ng mga bayan na makaririnig ng lahat ng tuntuning ito, at tiyak na sasabihin nila, ‘Ang dakilang bansang ito ay walang alinlangang isang bayan na marunong at may unawa.’+

  • Job 28:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At sinabi niya sa tao,

      ‘Narito! Ang pagkatakot kay Jehova—iyon ang karunungan,+

      At ang paglayo sa kasamaan ay pagkaunawa.’ ”+

  • Kawikaan 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng kaalaman.+ Ang karunungan at disiplina ang siyang hinahamak ng mga mangmang.+

  • Kawikaan 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang pagkatakot kay Jehova ang siyang pasimula ng karunungan,+ at ang kaalaman sa Kabanal-banalan ay siyang pagkaunawa.+

  • Eclesiastes 12:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos+ at tuparin mo ang kaniyang mga utos.+ Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.

  • Hebreo 11:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa pananampalataya si Noe,+ pagkatapos mabigyan ng babala mula sa Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita,+ ay nagpakita ng makadiyos na takot at nagtayo ng arka+ ukol sa pagliligtas ng kaniyang sambahayan; at sa pamamagitan ng pananampalatayang ito ay hinatulan niya ang sanlibutan,+ at siya ay naging tagapagmana ng katuwiran+ na ayon sa pananampalataya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share