Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 1:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Gayundin, pinagpala+ sila ng Diyos at sinabi ng Diyos sa kanila: “Magpalaanakin+ kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin+ iyon, at magkaroon kayo ng kapamahalaan+ sa mga isda sa dagat at sa mga lumilipad na nilalang sa langit at sa bawat nilalang na buháy na gumagala sa ibabaw ng lupa.”

  • Deuteronomio 32:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Nang ang Kataas-taasan ay magbigay ng mana sa mga bansa,+

      Nang paghiwa-hiwalayin niya ang mga anak ni Adan,+

      Itinatag niya ang hangganan ng mga bayan+

      Na isinasaalang-alang ang bilang ng mga anak ni Israel.+

  • Awit 37:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa,+

      At tatahan sila roon magpakailanman.+

  • Isaias 45:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, na Maylalang ng langit,+ Siya na tunay na Diyos,+ na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito,+ Siya na nagtatag nito nang matibay,+ na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan:+ “Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.+

  • Jeremias 27:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 ‘Ako ang gumawa ng lupa,+ ng sangkatauhan+ at ng mga hayop+ na nasa ibabaw ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan+ at sa pamamagitan ng aking unat na bisig;+ at ibinigay ko iyon sa sinumang marapat sa aking paningin.+

  • Gawa 17:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At ginawa niya mula sa isang tao+ ang bawat bansa+ ng mga tao, upang tumahan sa ibabaw ng buong lupa,+ at itinalaga niya ang mga takdang panahon+ at ang tiyak na mga hangganan ng pananahanan ng mga tao,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share