5 Narito, tinuruan ko kayo ng mga tuntunin+ at mga hudisyal na pasiya,+ gaya ng iniutos sa akin ni Jehova na aking Diyos, upang gawin ninyo ang gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin.
36 kung gayon ay makinig ka nawa mula sa langit, at patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga lingkod, ng iyo ngang bayang Israel, sapagkat itinuturo+ mo sa kanila ang mabuting daan na dapat nilang lakaran;+ at magbigay ka ng ulan+ sa iyong lupaing ibinigay mo sa iyong bayan bilang minanang pag-aari.
20 At tiyak na bibigyan kayo ni Jehova ng tinapay sa anyo ng kabagabagan at ng tubig sa anyo ng paniniil;+ gayunma’y hindi na magtatago ang iyong Dakilang Tagapagturo, at ang iyong mga mata ay magiging mga matang nakakakita sa iyong Dakilang Tagapagturo.+