26 “ ‘Sapagkat sa gitna ng aking bayan ay may nasumpungang mga taong balakyot.+ Lagi silang nagmamasid, gaya ng pagyukyok ng mga manghuhuli ng ibon.+ Naglagay sila ng kapaha-pahamak na bitag. Mga tao ang hinuhuli nila.
2 Ang matapat ay pumanaw mula sa lupa, at sa gitna ng mga tao ay walang sinumang matuwid.+ Silang lahat ay nag-aabang upang magbubo ng dugo.+ Hinuhuli ng bawat isa ang kaniyang sariling kapatid sa pamamagitan ng pangubkob na lambat.+