4 At si Jose ay laging nakasusumpong ng lingap sa kaniyang paningin at patuloy na nagsisilbi sa kaniya, kung kaya inatasan niya siyang mamahala sa kaniyang bahay,+ at ang lahat ng sa kaniya ay ibinigay niya sa kaniyang kamay.
28 At ang lalaking si Jeroboam ay isang magiting at makapangyarihang lalaki.+ Nang makita ni Solomon na ang kabataang lalaki ay isang masipag na manggagawa,+ ginawa niya itong tagapangasiwa+ sa lahat ng sapilitang paglilingkod+ ng sambahayan ni Jose.+
2 Ang lingkod na nagpapakita ng kaunawaan ang mamamahala sa anak na gumagawi nang kahiya-hiya,+ at kasama ng magkakapatid ay magkakaroon siya ng bahagi sa mana.+
11 Ngunit nais namin na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng gayunding kasipagan upang magkaroon ng lubos na katiyakan+ ng pag-asa+ hanggang sa wakas,+