3 Sa gayon ay pinagpakumbaba ka niya at pinabayaan ka niyang magutom+ at pinakain ka niya ng manna,+ na hindi mo nakilala ni nakilala man ng iyong mga ama; upang ipakilala sa iyo na hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao kundi sa bawat pananalita sa bibig ni Jehova ay nabubuhay ang tao.+
10 Ngunit sinabi niya sa kaniya: “Gaya ng pagsasalita ng isa sa mga babaing hangal,+ gayon ka rin nagsasalita. Tatanggapin ba lamang natin ang mabuti mula sa tunay na Diyos at hindi rin tatanggapin ang masama?”+ Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa pamamagitan ng kaniyang mga labi.+
7 Nag-aanyo ng liwanag+ at lumalalang ng kadiliman,+ gumagawa ng kapayapaan+ at lumalalang ng kapahamakan,+ ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng mga bagay na ito.+
22 Kaya nga, tingnan mo ang kabaitan+ at kahigpitan ng Diyos.+ Para sa mga nahulog ay may kahigpitan,+ ngunit para sa iyo ay may kabaitan ng Diyos, kung mananatili+ ka sa kaniyang kabaitan; kung hindi, ikaw rin ay tatagpasin.+