-
Nehemias 8:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 At sinabi niya sa kanila: “Yumaon kayo, kainin ninyo ang matatabang bagay at inumin ninyo ang matatamis na bagay, at padalhan ninyo ng mga bahagi ng pagkain+ yaong hindi ipinaghanda ng anuman; sapagkat ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon, at huwag kayong mamighati, sapagkat ang kagalakan kay Jehova ang inyong moog.”
-
-
Esther 9:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Iyan ang dahilan kung bakit ang ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar+ ay ginagawa ng mga Judio na taga-lalawigan, na tumatahan sa mga lunsod ng malalayong distrito, bilang isang kasayahan+ at isang pagpipiging at isang mabuting araw+ at isang pagpapadalahan ng mga bahagi ng pagkain+ sa isa’t isa.
-