-
Eclesiastes 3:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Sapagkat may kahihinatnan ang mga anak ng sangkatauhan at may kahihinatnan ang hayop, at ang kanilang kahihinatnan ay magkatulad.+ Kung paanong ang isa ay namamatay, gayundin namamatay yaong isa;+ at silang lahat ay may iisang espiritu,+ anupat ang tao ay walang kahigitan sa hayop, sapagkat ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan.
-
-
Eclesiastes 9:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Ang lahat ay magkakatulad sa tinataglay ng lahat.+ May iisang kahihinatnan+ ang matuwid+ at ang balakyot,+ ang mabuti at ang malinis at ang marumi, at ang naghahain at ang hindi naghahain. Ang mabuti ay gaya rin ng makasalanan;+ ang sumusumpa ay gaya rin ng sinumang natatakot sa ipinanatang sumpa.+
-
-
Eclesiastes 9:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Ako ay nagbalik upang makita sa ilalim ng araw na ang takbuhan ay hindi sa matutulin,+ ni ang pagbabaka ay sa mga makapangyarihan,+ ni ang pagkain man ay sa marurunong,+ ni ang kayamanan man ay sa mga may-unawa,+ ni ang lingap man ay sa mga may kaalaman;+ sapagkat ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa kanilang lahat.+
-