-
Isaias 31:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Ngunit ang mga Ehipsiyo ay mga makalupang tao,+ at hindi Diyos; at ang kanilang mga kabayo ay laman,+ at hindi espiritu. At si Jehova ay mag-uunat ng kaniyang kamay, at siya na nagbibigay ng tulong ay matitisod, at siya na tinutulungan ay mabubuwal,+ at silang lahat ay magkakasabay na sasapit sa kawakasan.
-
-
Oseas 5:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 “At nakita ng Efraim ang kaniyang sakit, at ng Juda ang kaniyang sugat.+ At ang Efraim ay pumaroon sa Asirya+ at nagsugo sa isang dakilang hari.+ Ngunit ang isang iyon ay hindi nakapagbigay sa inyo ng kagalingan,+ at hindi niya maalis sa inyo ang isang sugat sa pamamagitan ng anumang pampagaling.+
-