10 Huwag masusumpungan sa iyo ang sinumang nagpaparaan ng kaniyang anak na lalaki o ng kaniyang anak na babae sa apoy,+ ang sinumang nanghuhula,+ ang mahiko+ o ang sinumang naghahanap ng mga tanda+ o ang manggagaway,+
19 At kung sasabihin nila sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritista+ o sa mga may espiritu ng panghuhula na humuhuni+ at nagsasalita nang pabulong,” hindi ba sa Diyos nito dapat sumangguni ang alinmang bayan?+ [Dapat bang sumangguni] sa mga patay para sa mga buháy?+