-
Jeremias 29:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At hahayaan kong ako ay masumpungan ninyo,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At pipisanin ko ang inyong kalipunan ng mga bihag at titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mula sa lahat ng mga dako kung saan ko kayo ipinanabog,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At ibabalik ko kayo sa dako na mula roon ay pinayaon ko kayo sa pagkatapon.’+
-
-
Jeremias 46:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 “ ‘At kung tungkol sa iyo, huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod, at huwag kang malipos ng pangingilabot, O Israel.+ Sapagkat narito, ililigtas kita mula sa malayo at ang iyong supling mula sa lupain ng kanilang pagkabihag.+ At ang Jacob ay tiyak na babalik at hindi na maliligalig at magiging tiwasay at hindi panginginigin ninuman.+
-