Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 31:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Sapagkat ako—nalalaman kong lubos ang iyong paghihimagsik+ at ang iyong matigas na leeg.+ Kung ngayon na buháy pa akong kasama ninyo, kayo ay naging mapaghimagsik sa paggawi kay Jehova,+ gaano pa nga kaya pagkamatay ko!

  • Nehemias 9:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Bagaman nagpapatotoo+ ka laban sa kanila upang ibalik sila sa iyong kautusan,+ sila ay kumilos pa man din nang may kapangahasan+ at hindi nakinig sa iyong mga utos; at sila ay nagkasala+ laban sa iyong mga hudisyal na pasiya,+ na kung gagawin ng isang tao ay mabubuhay rin siya sa pamamagitan ng mga iyon.+ At patuloy silang naghaharap ng sutil na balikat,+ at ang leeg nila ay kanilang pinatigas,+ at hindi sila nakinig.+

  • Isaias 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Dinggin mo,+ O langit, at pakinggan mo, O lupa, sapagkat si Jehova ay nagsalita: “Ako ay nagpalaki at nag-alaga ng mga anak,+ ngunit sila ay naghimagsik laban sa akin.+

  • Jeremias 5:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ngunit ang mismong bayang ito ay nagkaroon ng pusong sutil at mapaghimagsik; sila ay lumihis at patuloy na lumalakad sa kanilang landasin.+

  • Jeremias 6:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Silang lahat ang pinakasutil na mga tao,+ gumagala-gala bilang mga maninirang-puri+—tanso at bakal. Silang lahat ay mapagpahamak.+

  • Zacarias 7:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ngunit sila ay patuloy na tumatangging magbigay-pansin, + at sila ay patuloy na naghaharap ng sutil na balikat, + at ang kanilang mga tainga ay lubha nilang pinamanhid upang makarinig. +

  • Gawa 7:51
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 51 “Mga taong mapagmatigas at di-tuli ang mga puso+ at mga tainga, lagi ninyong sinasalansang ang banal na espiritu; kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, gayundin ang ginagawa ninyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share