Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At siya ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng mga bansa+ at magtutuwid ng mga bagay-bagay+ may kinalaman sa maraming bayan.+ At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.+ Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.+

  • Isaias 35:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Hindi magkakaroon doon ng leon, at ang ganid na uri ng mababangis na hayop ay hindi sasampa roon.+ Walang masusumpungan doon;+ at ang mga tinubos ay doon lalakad.+

  • Isaias 60:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Ang karahasan ay hindi na maririnig pa sa iyong lupain, ang pananamsam o ang kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan.+ At ang iyong mga pader ay tiyak na tatawagin mong Kaligtasan+ at ang iyong mga pintuang-daan ay Kapurihan.

  • Mikas 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos,+ at walang sinumang magpapanginig sa kanila;+ sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ng mga hukbo ang nagsalita nito.+

  • Efeso 4:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 ngunit magbago kayo sa puwersa na nagpapakilos sa inyong pag-iisip,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share