10 Hindi sila magugutom,+ ni mauuhaw man sila,+ ni sasaktan man sila ng nakapapasong init o ng araw.+ Sapagkat ang Isa na nahahabag sa kanila ang aakay sa kanila,+ at sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.+
13 ‘sapagkat dalawang masasamang bagay ang ginawa ng aking bayan: Iniwan nila ako,+ ang bukal ng tubig na buháy,+ upang humukay para sa kanilang sarili ng mga imbakang-tubig, mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig.’
13“Sa araw na iyon + ay magkakaroon ng isang balon + na nakabukas sa sambahayan ni David at sa mga tumatahan sa Jerusalem para sa kasalanan + at para sa nakamumuhing bagay. +
17 sapagkat ang Kordero,+ na nasa gitna ng trono, ay magpapastol+ sa kanila, at aakay sa kanila sa mga bukal ng mga tubig+ ng buhay. At papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.”+
17 At ang espiritu+ at ang kasintahang babae+ ay patuloy na nagsasabi: “Halika!” At ang sinumang nakikinig ay magsabi: “Halika!”+ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito;+ ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.+