3 Sapagkat umahon laban sa kaniya ang isang bansa mula sa hilaga.+ Pinangyayari ng isang iyon na ang kaniyang lupain ay maging bagay na panggigilalasan, anupat walang sinumang tatahan sa kaniya.+ Kapuwa ang tao at ang alagang hayop ay tumakas.+ Sila ay yumaon na.”+
13 Dahil sa galit ni Jehova ay hindi siya tatahanan,+ at siya ay magiging tiwangwang na kaguhuan sa kaniyang kabuuan.+ Kung tungkol sa sinumang daraan sa tabi ng Babilonya, siya ay tititig sa panggigilalas at sisipol dahil sa lahat ng kaniyang mga salot.+
29 At hayaang ang lupa ay umuga at dumanas ng matinding kirot,+ sapagkat bumangon laban sa Babilonya ang mga kaisipan ni Jehova na ang lupain ng Babilonya ay gawing isang bagay na panggigilalasan, na walang tumatahan.+
21 At binuhat ng isang malakas na anghel ang isang bato na tulad ng isang malaking gilingang-bato+ at inihagis iyon sa dagat,+ na sinasabi: “Gayon ibubulid sa isang mabilis na paghahagis ang Babilonya na dakilang lunsod, at hindi na siya masusumpungan pang muli.+