24 Pagkaraan nito ay nagdala ang hari ng Asirya ng mga tao mula sa Babilonya+ at Cuta at Ava+ at Hamat+ at Separvaim+ at pinatahan sila sa mga lunsod ng Samaria+ kahalili ng mga anak ni Israel; at pinasimulan nilang ariin ang Samaria at nanahanan sa mga lunsod nito.
12 “At mangyayari nga na kapag winakasan ni Jehova ang lahat ng kaniyang gawa sa Bundok Sion at sa Jerusalem, ako ay makikipagsulit dahil sa bunga ng kawalang-pakundangan ng puso ng hari ng Asirya at dahil sa kapalaluan ng pagmamataas ng kaniyang mga mata.+
18 “Ang iyong mga pastol ay nag-antok,+ O hari ng Asirya; ang iyong mga taong mariringal ay namamalagi sa kanilang mga tahanan.+ Ang iyong bayan ay nangalat sa ibabaw ng mga bundok, at hindi sila tinitipon ninuman.+
13 “At iuunat niya ang kaniyang kamay sa dakong hilaga, at wawasakin niya ang Asirya.+ At ang Nineve ay gagawin niyang tiwangwang na kaguhuan,+ isang pook na walang tubig na gaya ng ilang.