26 kinukuha ko bilang mga saksi laban sa inyo ngayon ang langit at ang lupa,+ na kayo ay talagang malilipol nang madali mula sa lupain na tatawirin ninyo sa Jordan upang ariin. Hindi ninyo mapahahaba ang inyong mga araw roon, sapagkat kayo ay talagang malilipol.+
2 Dinggin mo,+ O langit, at pakinggan mo, O lupa, sapagkat si Jehova ay nagsalita: “Ako ay nagpalaki at nag-alaga ng mga anak,+ ngunit sila ay naghimagsik laban sa akin.+
34Lumapit kayong mga bansa upang makinig;+ at kayong mga liping pambansa+ ay magbigay-pansin. Makinig ang lupa at ang lahat ng naririto,+ ang mabungang lupain+ at lahat ng bunga nito.+
19 Pakinggan mo, O lupa! Narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa bayang ito+ bilang bunga ng kanilang mga kaisipan,+ sapagkat hindi sila nagbigay-pansin sa akin mismong mga salita; at ang aking kautusan—patuloy rin nilang itinatakwil iyon.”+
2 “Dinggin ninyong lahat na mga bayan; magbigay-pansin ka, O lupa at ang lahat ng naririyan sa iyo,+ at ang Soberanong Panginoong Jehova nawa ay maging saksi laban sa inyo,+ si Jehova mula sa kaniyang banal na templo.+