Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 9:57
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 57 At ang lahat ng kasamaan ng mga lalaki ng Sikem ay iginanti ng Diyos sa kanilang sariling mga ulo, upang ang sumpa+ ni Jotam+ na anak ni Jerubaal+ ay sumapit sa kanila.+

  • 1 Samuel 25:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 At narinig ni David na si Nabal ay namatay, kung kaya sinabi niya: “Pagpalain si Jehova, na siyang nakipaglaban para sa usapin sa batas+ ng aking kadustaan+ upang palayain ako mula sa kamay ni Nabal at pumigil sa kaniyang lingkod mula sa kasamaan,+ at ang kasamaan ni Nabal ay ibinalik ni Jehova sa sarili nitong ulo!”+ At si David ay nagsugo at nag-alok kay Abigail na kukunin niya ito bilang kaniyang asawa.+

  • Nehemias 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Dinggin mo,+ O aming Diyos, sapagkat kami ay naging tampulan ng paghamak;+ at ibalik mo ang kanilang pandurusta+ sa kanilang sariling ulo, at ibigay mo sila sa pandarambong sa lupain ng pagkabihag.

  • Jeremias 30:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Narito! Ang isang buhawi ni Jehova, ang pagngangalit mismo, ay lumabas, isang unos na bumubugso.+ Sa ibabaw ng ulo ng mga balakyot ay iinog iyon.+

  • Joel 3:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 narito, pupukawin ko sila upang lumabas mula sa dakong pinagbilhan ninyo sa kanila,+ at igaganti ko sa inyong mga ulo ang inyong pakikitungo.+

  • Obadias 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sapagkat ang araw ni Jehova laban sa lahat ng mga bansa ay malapit na.+ Kung paano mo ginawa, gayon ang gagawin sa iyo.+ Ang uri ng iyong pakikitungo ay babalik sa iyong sariling ulo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share