7 Ang inyong lupain ay tiwangwang,+ ang inyong mga lunsod ay sunóg sa apoy;+ ang inyong lupa—mismong sa harap ninyo ay nilalamon ito ng mga taga-ibang bayan,+ at ang pagkatiwangwang ay gaya ng paggiba ng mga taga-ibang bayan.+
9 Sa aking pandinig [ay sumumpa] si Jehova ng mga hukbo na maraming bahay, bagaman malalaki at magaganda, ang lubusang magiging bagay na panggigilalasan, na walang tumatahan.+
11 Dahil dito ay sinabi ko: “Hanggang kailan, O Jehova?”+ At sinabi niya: “Hanggang sa ang mga lunsod ay gumuho, na walang isa mang tumatahan, at ang mga bahay ay mawalan ng makalupang tao, at ang lupa ay masira tungo sa pagkatiwangwang;+
15 Laban sa kaniya ay umuungal ang mga may-kilíng na batang leon;+ inilakas nila ang kanilang tinig.+ At ang kaniyang lupain ay ginawa nilang bagay na panggigilalasan. Ang kaniyang mga lunsod ay sinunog, anupat walang tumatahan.+
11 At ang Jerusalem ay gagawin kong mga bunton ng mga bato,+ na tirahan ng mga chakal;+ at ang mga lunsod ng Juda ay gagawin kong tiwangwang na kaguhuan, na walang tumatahan.+