Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ang mga saserdote ay hindi nagsabi, ‘Nasaan si Jehova?’+ At sila mismo na humahawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin;+ at ang mga pastol ay sumalansang laban sa akin,+ at maging ang mga propeta ay nanghula sa pamamagitan ni Baal,+ at yaong mga hindi makapagdudulot ng pakinabang ay sinundan nila.+

  • Jeremias 14:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kung lalabas nga ako sa parang, narito ngayon, yaong mga napatay sa pamamagitan ng tabak!+ At kung papasok nga ako sa lunsod, narito rin, ang mga karamdamang dulot ng taggutom!+ Sapagkat kapuwa ang propeta at ang saserdote ay lumilibot sa isang lupain na hindi pa nila nakikilala.’ ”+

  • Jeremias 23:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Sapagkat kapuwa ang propeta at ang saserdote ay narumhan.+ Sa aking bahay rin ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Mikas 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Ito ang sinabi ni Jehova laban sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan,+ na ipinangkakagat ang kanilang mga ngipin+ at sumisigaw, ‘Kapayapaan!’+ na kapag may sinumang hindi naglagay ng anuman sa kanilang mga bibig ay nagpapabanal din ng digmaan laban sa kaniya,+

  • Mikas 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang kaniyang mga pangulo ay humahatol dahil lamang sa suhol,+ at ang kaniyang mga saserdote ay nagtuturo kapalit lamang ng isang halaga,+ at ang kaniyang mga propeta ay nanghuhula dahil lamang sa salapi;+ gayunma’y patuloy silang sumasandig kay Jehova, na sinasabi: “Hindi ba si Jehova ay nasa gitna natin?+ Walang kapahamakang darating sa atin.”+

  • Zefanias 3:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang kaniyang mga propeta ay walang pakundangan, mga lalaking may kataksilan.+ Nilapastangan ng kaniya mismong mga saserdote ang bagay na banal; pinakitunguhan nila nang may karahasan ang kautusan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share