-
Jeremias 21:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 O sambahayan ni David,+ ito ang sinabi ni Jehova: “Bawat umaga+ ay maggawad ka ng hatol ayon sa katarungan,+ at iligtas mo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya,+ upang ang aking pagngangalit ay hindi lumabas na gaya ng apoy+ at magningas nga at walang sinumang makapapatay nito dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo.” ’+
-
-
Jeremias 22:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Ito ang sinabi ni Jehova: “Maglapat kayo ng katarungan at katuwiran, at iligtas ninyo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya; at huwag ninyong pagmalupitan ang naninirahang dayuhan, ang batang lalaking walang ama o ang babaing balo.+ Huwag ninyo silang gawan ng karahasan.+ At huwag kayong magbubo ng dugong walang-sala sa dakong ito.+
-