Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 36:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ngunit patuloy nilang kinakantiyawan+ ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita+ at nililibak+ ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang pagngangalit+ ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan.+

  • Nehemias 9:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Bagaman nagpapatotoo+ ka laban sa kanila upang ibalik sila sa iyong kautusan,+ sila ay kumilos pa man din nang may kapangahasan+ at hindi nakinig sa iyong mga utos; at sila ay nagkasala+ laban sa iyong mga hudisyal na pasiya,+ na kung gagawin ng isang tao ay mabubuhay rin siya sa pamamagitan ng mga iyon.+ At patuloy silang naghaharap ng sutil na balikat,+ at ang leeg nila ay kanilang pinatigas,+ at hindi sila nakinig.+

  • Jeremias 11:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ngunit hindi sila nakinig o nagkiling ng kanilang pandinig,+ kundi patuloy silang lumakad bawat isa ayon sa pagkasutil ng kanilang masamang puso;+ kaya pinasapit ko sa kanila ang lahat ng mga salita ng tipang ito na iniutos kong isagawa nila, ngunit hindi nila isinagawa.’ ”

  • Jeremias 25:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Mula nang ikalabintatlong taon ni Josias+ na anak ni Amon, na hari ng Juda, at hanggang sa araw na ito, sa dalawampu’t tatlong taóng ito ay dumarating sa akin ang salita ni Jehova, at patuloy akong nagsasalita sa inyo, na bumabangon nang maaga at nagsasalita, ngunit hindi kayo nakinig.+

  • Zacarias 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “ ‘Huwag kayong maging gaya ng inyong mga ama + na sa kanila ay tumawag ang mga propeta noong una, + na sinasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Manumbalik kayo, pakisuyo, mula sa inyong masasamang lakad at mula sa inyong masasamang pakikitungo.’ ” ’ +

      “ ‘Ngunit hindi sila nakinig, at hindi sila nagbigay-pansin sa akin,’ + ang sabi ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share