-
Jeremias 20:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Ngunit si Jehova ay sumasaakin+ gaya ng isang kahila-hilakbot na makapangyarihan.+ Kaya naman ang mismong mga umuusig sa akin ay matitisod at hindi mananaig.+ Tiyak na malalagay sila sa malaking kahihiyan, sapagkat hindi sila uunlad. Ang kanilang kahihiyan na namamalagi nang walang takda ay hindi malilimutan.+
-
-
Daniel 9:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Sa iyo, O Jehova, ay nauukol ang katuwiran, ngunit ang sa amin ay kahihiyan ng mukha gaya ng sa araw na ito,+ sa mga tao ng Juda at sa mga tumatahan sa Jerusalem at sa lahat niyaong nagmula sa Israel, yaong malalapit at yaong malalayo sa lahat ng mga lupain na doon ay ipinanabog mo sila dahil sa kanilang kawalang-katapatan na ginawa nila laban sa iyo.+
-