8 “Kung magkagayon ay sisikat ang iyong liwanag na gaya ng bukang-liwayway;+ at mabilis na darating sa iyo ang paggaling.+ At sa unahan mo ay tiyak na lalakad ang iyong katuwiran;+ ang mismong kaluwalhatian ni Jehova ang magiging iyong bantay sa likuran.+
17 “Sapagkat magpapasapit ako ng paggaling para sa iyo, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat,”+ ang sabi ni Jehova. “Sapagkat babaing itinaboy ang itinawag nila sa iyo:+ ‘Iyan ang Sion, na hindi hinahanap ninuman.’ ”+
6 ‘Narito, dadalhin ko sa kaniya ang paggaling at kalusugan;+ at pagagalingin ko sila at magsisiwalat ako sa kanila ng saganang kapayapaan at katotohanan.+