24 “‘Huwag kayong magpapakarumi sa pamamagitan ng alinman sa mga bagay na ito, sapagkat sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay na ito ay nagpakarumi ang mga bansa na itataboy ko mula sa harap ninyo.+
33 “‘At huwag ninyong durumhan ang lupain na kinaroroonan ninyo; sapagkat dugo ang nagpaparumi sa lupain,+ at para sa lupain ay walang pagbabayad-sala may kinalaman sa dugo na naibubo roon maliban sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo nito.+
23 ang kaniyang bangkay ay hindi dapat manatili nang buong magdamag sa tulos;+ kundi dapat mo siyang ilibing sa araw na iyon, sapagkat yaong nakabitin ay isang bagay na isinumpa ng Diyos;+ at huwag mong durungisan ang iyong lupa, na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos bilang mana.+
18 At, una sa lahat, igaganti ko ang kabuuang dami ng kanilang kamalian+ at ng kanilang kasalanan, dahil sa paglapastangan nila sa aking lupain.+ Ang aking mana ay pinunô nila ng mga bangkay ng kanilang mga kasuklam-suklam na bagay at ng kanilang mga karima-rimarim na bagay.’ ”+
17 “Anak ng tao, ang sambahayan ng Israel ay nananahanan sa kanilang lupa, at patuloy nilang pinarurumi iyon sa pamamagitan ng kanilang lakad at sa pamamagitan ng kanilang mga pakikitungo.+ Ang kanilang lakad sa harap ko ay naging tulad ng karumihan ng pagreregla.+