Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At sinabi ko: “Ay, O Soberanong Panginoong Jehova! Tunay na lubusan mong nilinlang ang bayang ito+ at ang Jerusalem, na sinasabi, ‘Ang kapayapaan ay mapapasainyo,’+ at ang tabak ay umabot na hanggang sa kaluluwa.”

  • Jeremias 5:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang mga propeta ay nanghuhula nang may kabulaanan;+ at kung tungkol sa mga saserdote, sila ay nanunupil ayon sa kanilang mga kapangyarihan.+ At gayon ang inibig ng aking sariling bayan;+ at ano ang gagawin ninyo sa wakas nito?”+

  • Jeremias 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At sinisikap nilang pagalingin nang bahagya ang pagkasira ng aking bayan,+ na sinasabi, ‘May kapayapaan! May kapayapaan!’ gayong wala namang kapayapaan.+

  • Jeremias 23:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sinasabi nila nang paulit-ulit doon sa mga walang-galang sa akin, ‘Sinalita ni Jehova: “Kapayapaan ang sasainyo.” ’+ At sa bawat isa na lumalakad ayon sa pagkasutil ng kaniyang puso+ ay sinabi nila, ‘Walang kapahamakang darating sa inyo.’+

  • Jeremias 27:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “ ‘ “ ‘At kung tungkol sa inyo, huwag kayong makinig sa inyong mga propeta+ at sa inyong mga manghuhula at sa inyong mga mánanaginíp+ at sa inyong mga mahiko at sa inyong mga manggagaway,+ na nagsasabi sa inyo: “Hindi kayo maglilingkod sa hari ng Babilonya.”+

  • Ezekiel 13:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 sa dahilan, oo, sa dahilang iniligaw nila ang aking bayan, na sinasabi, “May kapayapaan!” gayong wala namang kapayapaan,+ at may isang nagtatayo ng pangharang na pader, ngunit walang kabuluhan+ na may mga nagpapalitada roon ng kalburo.’+

  • Mikas 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang kaniyang mga pangulo ay humahatol dahil lamang sa suhol,+ at ang kaniyang mga saserdote ay nagtuturo kapalit lamang ng isang halaga,+ at ang kaniyang mga propeta ay nanghuhula dahil lamang sa salapi;+ gayunma’y patuloy silang sumasandig kay Jehova, na sinasabi: “Hindi ba si Jehova ay nasa gitna natin?+ Walang kapahamakang darating sa atin.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share