36 Ikaw+ at ang iyong hari+ na ilalagay mo upang mamahala sa iyo ay dadalhin ni Jehova sa isang bansa na hindi mo kilala, ikaw man ni ang iyong mga ninuno; at doon ay maglilingkod ka sa ibang mga diyos, na kahoy at bato.+
15 Sa gayon ay dinala niya si Jehoiakin+ sa pagkatapon sa Babilonya;+ at ang ina+ ng hari at ang mga asawa ng hari at ang kaniyang mga opisyal ng korte+ at ang mga pangunahing tao sa lupain ay dinala niya bilang itinapong bayan mula sa Jerusalem patungo sa Babilonya.
7 At ang mga anak ni Zedekias ay pinatay nila sa kaniyang paningin,+ at ang mga mata ni Zedekias ay binulag niya,+ pagkatapos ay iginapos niya siya ng mga pangaw na tanso+ at dinala siya sa Babilonya.+
7 ‘At ang ilan sa sarili mong mga anak na manggagaling sa iyo, na ipanganganak sa iyo, ay kukunin+ at magiging mga opisyal nga ng korte+ sa palasyo ng hari ng Babilonya.’ ”+
9 Nang magkagayon ay dinakip nila ang hari at dinala siya sa hari ng Babilonya+ sa Ribla+ sa lupain ng Hamat,+ upang makapaglapat ito sa kaniya ng mga hudisyal na pasiya.+
13 At ilaladlad ko nga sa kaniya ang aking lambat, at siya ay mahuhuli sa aking pangasong lambat;+ at dadalhin ko siya sa Babilonya, sa lupain ng mga Caldeo,+ ngunit hindi niya iyon makikita; at doon siya mamamatay.+
3 At sinabi ng hari kay Aspenaz na kaniyang punong opisyal ng korte+ na dalhin ang ilan sa mga anak ni Israel at sa mga maharlikang supling at sa mga taong mahal,+