Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 9:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ang bahay na ito ay magiging mga bunton ng mga guho.+ Ang bawat magdaraan doon ay tititig sa pagkamangha+ at mapapasipol nga at magsasabi, ‘Sa anong dahilan ginawa ni Jehova ang gayon sa lupaing ito at sa bahay na ito?’+

  • Jeremias 18:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 upang ang kanilang lupain ay gawing bagay na panggigilalasan,+ upang sipulan hanggang sa panahong walang takda.+ Ang bawat isa na dumaraan doon ay tititig sa panggigilalas at mag-iiling ng kaniyang ulo.+

  • Jeremias 19:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ang lunsod na ito ay gagawin kong bagay na panggigilalasan at bagay na sisipulan.+ Ang bawat isa na dumaraan doon ay tititig sa panggigilalas at sisipol dahil sa lahat ng mga salot nito.+

  • Jeremias 25:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 narito, magsusugo ako at kukunin ko ang lahat ng pamilya sa hilaga,”+ ang sabi ni Jehova, “na nagsusugo pa man din kay Nabucodorosor na hari ng Babilonya, na aking lingkod,+ at dadalhin ko sila laban sa lupaing ito+ at laban sa mga tumatahan dito at laban sa lahat ng mga bansang ito sa palibot;+ at itatalaga ko sila sa pagkapuksa at gagawin ko silang bagay na panggigilalasan at bagay na sisipulan+ at mga dakong wasak hanggang sa panahong walang takda.+

  • Mikas 6:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At ang mga batas ni Omri+ at ang lahat ng gawa ng sambahayan ni Ahab ay iniingatan,+ at lumalakad kayo sa kanilang mga payo;+ upang gawin kitang bagay na panggigilalasan at ang mga tumatahan naman sa kaniya ay bagay na sisipulan;+ at ang pandurusta ng mga bayan ay inyong papasanin.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share