Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 77:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Magtatakwil kaya si Jehova hanggang sa mga panahong walang takda,+

      At hindi na ba siya muling malulugod?+

  • Awit 94:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sapagkat hindi pababayaan ni Jehova ang kaniyang bayan,+

      Ni iiwan man niya ang kaniyang sariling mana.+

  • Jeremias 3:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Yumaon ka, at ihayag mo ang mga salitang ito sa dakong hilaga+ at sabihin mo:

      “ ‘ “Manumbalik ka, O suwail na Israel,” ang sabi ni Jehova.’+ ‘ “Hindi ko na ititingin sa inyo ang aking mukha nang may galit,+ sapagkat ako ay matapat,”+ ang sabi ni Jehova.’ ‘ “Hindi ako mananatiling may hinanakit hanggang sa panahong walang takda.+

  • Jeremias 31:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Ito ang sinabi ni Jehova: “ ‘Kung ang langit sa itaas ay masusukat at ang mga pundasyon ng lupa sa ibaba ay masisiyasat,+ maitatakwil ko rin naman ang buong binhi ng Israel dahil sa lahat ng ginawa nila,’+ ang sabi ni Jehova.”

  • Jeremias 32:40
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 At makikipagtipan ako sa kanila ng isang tipan na namamalagi nang walang takda,+ na hindi ako hihiwalay sa likuran nila, upang gawan ko sila ng mabuti;+ at ang pagkatakot sa akin ay ilalagay ko sa kanilang puso upang huwag lumihis mula sa akin.+

  • Mikas 7:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sino ang Diyos na tulad mo,+ na nagpapaumanhin sa kamalian at nagpapalampas ng pagsalansang+ ng nalabi sa kaniyang mana?+ Hindi nga niya pananatilihin ang kaniyang galit magpakailanman, sapagkat nalulugod siya sa maibiging-kabaitan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share