10 Patuloy naming inaapuhap ang pader tulad ng mga taong bulag, at tulad niyaong mga walang mata ay patuloy kaming nag-aapuhap.+ Natitisod kami sa tanghaling tapat gaya ng sa pagkagat ng dilim; sa gitna ng mapipintog ay para kaming mga taong patay.+
17 At pipighatiin ko ang mga tao, at lalakad silang gaya ng mga taong bulag;+ sapagkat nagkasala sila laban kay Jehova.+ At mabubuhos na gaya ng alabok ang kanilang dugo,+ at gaya ng dumi ang kanilang mga bituka.+