9O kung ang aking ulo sana ay tubig, at ang aking mga mata ay bukal ng mga luha!+ Kung magkagayon ay makapananangis ako araw at gabi para sa mga napatay sa anak na babae ng aking bayan.+
17 At kung hindi ninyo iyon diringgin,+ sa mga kublihang dako ay tatangis ang aking kaluluwa dahil sa pagmamapuri at talagang luluha; at ang aking mata ay dadaluyan ng mga luha,+ sapagkat ang kawan+ ni Jehova ay dadalhing bihag.
17 “At sabihin mo sa kanila ang salitang ito, ‘Daluyan nawa ng mga luha ang aking mga mata gabi at araw at huwag nawang tumigil ang mga ito,+ sapagkat ang anak na dalaga ng aking bayan ay nawasak na may malakas na pagbagsak,+ na may sugat na labis na nagdudulot ng sakit.+