3 ibabalik din naman ni Jehova na iyong Diyos ang iyong mga bihag+ at pagpapakitaan ka ng awa+ at titipunin kang muli mula sa lahat ng mga bayan kung saan pinangalat ka ni Jehova na iyong Diyos.+
12 At siya ay tiyak na magtataas ng isang hudyat para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nanabog mula sa Israel;+ at ang mga nangalat mula sa Juda ay pipisanin niya mula sa apat na dulo ng lupa.+
18 Ito ang sinabi ni Jehova: “Narito, titipunin ko ang mga nabihag mula sa mga tolda ng Jacob,+ at ang kaniyang mga tabernakulo ay kahahabagan ko. At ang lunsod ay muli ngang itatayo sa ibabaw ng kaniyang bunton;+ at sa ibabaw ng marapat na kalalagyan nito ay malalagay ang tirahang tore.+
11 At ang mga anak ni Juda at ang mga anak ni Israel ay titipunin tungo sa pagkakaisa+ at magtatalaga sa kanilang sarili ng isang ulo at aahon mula sa lupain,+ sapagkat magiging dakila ang araw ng Jezreel.+