-
Levitico 5:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 At dadalhin niya kay Jehova ang kaniyang handog ukol sa pagkakasala+ dahil sa kaniyang kasalanan na nagawa niya, samakatuwid ay isang babae mula sa kawan, isang babaing kordero o isang babaing+ anak ng kambing, bilang handog ukol sa kasalanan; at ang saserdote ay gagawa ng pagbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kaniyang kasalanan.+
-
-
Ezekiel 42:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 At sinabi niya sa akin: “Ang mga silid-kainan sa hilaga at ang mga silid-kainan sa timog na nasa harapan ng nakabukod na dako,+ iyon ang banal na mga silid-kainan, kung saan kinakain ng mga saserdote na lumalapit+ kay Jehova ang mga kabanal-banalang bagay.+ Doon nila inilalapag ang mga kabanal-banalang bagay at ang handog na mga butil at ang handog ukol sa kasalanan at ang handog ukol sa pagkakasala, sapagkat ang dako ay banal.+
-