Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 18:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Sa kanilang lupain ay hindi ka magkakaroon ng mana, at walang bahagi ang magiging iyo sa gitna nila.+ Ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.+

  • Deuteronomio 10:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Iyan ang dahilan kung bakit ang Levi ay hindi nagkaroon ng bahagi at mana+ kasama ng kaniyang mga kapatid. Si Jehova ang kaniyang mana, gaya ng sinabi sa kaniya ni Jehova na iyong Diyos.+

  • Deuteronomio 18:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Walang bahagi o mana kasama ng Israel ang mauukol sa mga saserdote, na mga Levita, ang buong tribo ni Levi.+ Ang mga handog na pinaraan sa apoy para kay Jehova, na kaniyang mana, ang dapat nilang kainin.+

  • Josue 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang tribo lamang ng mga Levita ang hindi niya binigyan ng mana.+ Ang mga handog na pinaraan sa apoy+ para kay Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana,+ gaya ng ipinangako niya sa kanila.+

  • Josue 13:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 At ang tribo ng mga Levita ay hindi binigyan ni Moises ng mana.+ Si Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana, gaya ng ipinangako niya sa kanila.+

  • Ezekiel 45:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Bilang isang banal na bahagi mula sa lupain, iyon ay magiging para sa mga saserdote,+ ang mga lingkod sa santuwaryo, yaong mga lumalapit upang maglingkod kay Jehova.+ At sa kanila ay magiging dako iyon para sa mga bahay, at isang sagradong dako para sa santuwaryo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share