6 Ang kanilang hamak na sapot ay hindi magsisilbing kasuutan, ni maipantatakip man nila sa kanilang sarili ang kanilang mga gawa.+ Ang kanilang mga gawa ay nakasasakit na mga gawa, at ang gawaing karahasan ay nasa kanilang mga palad.+
7 Kung paanong pinananatiling malamig ng imbakang-tubig ang tubig nito, gayon niya pinananatiling malamig ang kaniyang kasamaan. Ang karahasan at pananamsam ay naririnig sa kaniya;+ ang sakit at salot ay palaging nasa harap ng aking mukha.
12 Sapagkat ang kaniyang mga taong mayaman ay punô ng karahasan, at ang mga tumatahan sa kaniya ay nagsasalita ng kabulaanan,+ at ang kanilang dila ay mapandaya sa kanilang bibig.+