5 Sabihin ninyo iyon sa Juda, at ipahayag ninyo sa Jerusalem,+ at ibalita ninyo, at hipan ninyo ang tambuli sa buong lupain.+ Tumawag kayo nang malakas at sabihin: “Magpisan kayo, at pumasok tayo sa mga nakukutaang lunsod.+
6Sumilong kayo, O kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem; at sa Tekoa+ ay hipan ninyo ang tambuli.+ At sa Bet-hakerem+ ay magtaas kayo ng hudyat na apoy; sapagkat ang kapahamakan ay nakatanaw mula sa hilaga, isa ngang malakas na pagbagsak.+