Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 11:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At mangyayari sa araw na iyon na muling iaabot ni Jehova ang kaniyang kamay, sa ikalawang pagkakataon,+ upang kunin ang nalabi ng kaniyang bayan na malalabi mula sa Asirya+ at mula sa Ehipto+ at mula sa Patros+ at mula sa Cus+ at mula sa Elam+ at mula sa Sinar+ at mula sa Hamat at mula sa mga pulo sa dagat.+

  • Jeremias 30:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “At ikaw naman, huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod,” ang sabi ni Jehova, “at huwag kang mangilabot, O Israel.+ Sapagkat narito, ililigtas kita mula sa malayo at ang iyong supling mula sa lupain ng kanilang pagkabihag.+ At ang Jacob ay tiyak na babalik at mapapanatag at magiging tiwasay, at walang sinumang magpapanginig.”+

  • Jeremias 32:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 ‘Narito, titipunin ko sila mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila ipananabog sa aking galit at sa aking pagngangalit at sa matinding poot;+ at ibabalik ko sila sa dakong ito at patatahanin sila nang tiwasay.+

  • Ezekiel 20:42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 42 “ ‘At inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova,+ kapag dinala ko kayo sa lupa ng Israel,+ sa lupain na ipinagtaas ko ng aking kamay bilang panunumpa upang ibigay sa inyong mga ninuno.

  • Ezekiel 34:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ilalabas+ ko sila mula sa mga bayan at titipunin ko sila mula sa mga lupain at dadalhin ko sila sa kanilang lupa+ at pakakainin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga batis at sa tabi ng lahat ng mga tahanang dako sa lupain.+

  • Ezekiel 36:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 At kukunin ko kayo mula sa mga bansa at titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga lupain at dadalhin ko kayo sa inyong lupa.+

  • Ezekiel 37:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kaya manghula ka, at sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito, bubuksan ko ang inyong mga dakong libingan,+ at iaahon ko kayo mula sa inyong mga dakong libingan, O bayan ko, at dadalhin ko kayo sa lupa ng Israel.+

  • Amos 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At titipunin kong muli ang mga nabihag sa aking bayang Israel,+ at kanila ngang itatayo ang mga nakatiwangwang na lunsod at tatahanan ang mga iyon,+ at magtatanim sila ng mga ubasan at iinumin ang alak ng mga iyon, at gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga iyon.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share