20 Ang kaluluwa na nagkakasala—iyon mismo ang mamamatay.+ Ang anak ay hindi magdurusa ng anuman dahil sa kamalian ng ama, at ang ama ay hindi magdurusa ng anuman dahil sa kamalian ng anak.+ Ang katuwiran ng matuwid ay sasakaniya mismo,+ at ang kabalakyutan ng balakyot ay sasakaniya mismo.+
12 Maghasik kayo ng binhi sa katuwiran para sa inyong sarili;+ gumapas kayo ayon sa maibiging-kabaitan.+ Magbungkal kayo ng sakahang lupain para sa inyong sarili,+ habang may panahon upang hanapin si Jehova hanggang sa dumating siya+ at magbigay sa inyo ng tagubilin sa katuwiran.+
3 hanapin ninyo si Jehova,+ ninyong lahat na maaamo sa lupa,+ na nagsasagawa ng Kaniyang hudisyal na pasiya. Hanapin ninyo ang katuwiran,+ hanapin ninyo ang kaamuan.+ Baka sakaling+ makubli kayo sa araw ng galit ni Jehova.+