Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 18:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Dahil dito ay sinabi ni Jehova: “Ang sigaw ng pagdaing tungkol sa Sodoma at Gomorra,+ oo, iyon ay malakas, at ang kanilang kasalanan, oo, iyon ay napakabigat.+

  • Genesis 19:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Nang magkagayon ay nagpaulan si Jehova ng asupre at apoy mula kay Jehova, mula sa langit, sa Sodoma at sa Gomorra.+

  • Deuteronomio 29:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 asupre at asin+ at sunog,+ anupat ang buong lupain nito ay hindi mahahasikan, ni sisibulan, ni tutubuan man iyon ng anumang pananim, gaya ng paggiba sa Sodoma at Gomorra,+ Adma+ at Zeboiim,+ na giniba ni Jehova sa kaniyang galit at sa kaniyang poot;+

  • Deuteronomio 32:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Sapagkat ang kanilang punong ubas ay mula sa punong ubas ng Sodoma

      At mula sa hagdan-hagdang lupain ng Gomorra.+

      Ang kanilang mga ubas ay mga ubas na lason,

      Ang kanilang mga kumpol ay mapapait.+

  • Isaias 1:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dinggin ninyo ang salita ni Jehova,+ ninyong mga diktador+ ng Sodoma.+ Pakinggan ninyo ang kautusan ng ating Diyos, ninyong bayan ng Gomorra.

  • Isaias 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ang mismong anyo ng kanilang mga mukha ay nagpapatotoo nga laban sa kanila,+ at ang kanilang kasalanang gaya ng sa Sodoma ay inihahayag ng mga iyon.+ Hindi nila iyon itinatago. Sa aba ng kanilang kaluluwa! Sapagkat nagdulot sila ng kapahamakan sa kanilang sarili.+

  • Jeremias 23:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At sa mga propeta ng Jerusalem ay nakakita ako ng mga kakila-kilabot na bagay,+ pangangalunya+ at paglakad sa kabulaanan;+ at pinalalakas nila ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan upang hindi sila manumbalik,+ bawat isa mula sa kaniyang sariling kasamaan. Sa akin ay naging tulad silang lahat ng Sodoma,+ at ang mga tumatahan sa kaniya ay tulad ng Gomorra.”+

  • Judas 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Gayundin ang Sodoma at Gomorra at ang mga lunsod sa palibot nila,+ pagkatapos na sila sa katulad na paraan gaya ng mga nauna ay makiapid nang labis-labis at sumunod sa laman sa di-likas na paggamit,+ ay nakalagay sa harap natin bilang isang babalang halimbawa+ sa pagdanas ng parusang hatol na walang-hanggang apoy.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share