-
Esther 8:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sa gayon ay tinawag ang mga kalihim+ ng hari nang panahong iyon nang ikatlong buwan, na siyang buwan ng Sivan, noong ikadalawampu’t tatlong araw nito; at ang pagsulat ay ginawa ayon sa lahat ng iniutos ni Mardokeo sa mga Judio at sa mga satrapa+ at mga gobernador at mga prinsipe ng mga nasasakupang distrito na mula sa India hanggang sa Etiopia, isang daan at dalawampu’t pitong nasasakupang distrito,+ sa bawat nasasakupang distrito ayon sa sarili nitong istilo ng pagsulat+ at sa bawat bayan ayon sa sarili nitong wika,+ at sa mga Judio ayon sa kanilang sariling istilo ng pagsulat at ayon sa kanilang sariling wika.+
-
-
Daniel 3:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 At si Nabucodonosor bilang hari ay nagsugo upang tipunin ang mga satrapa, ang mga prepekto+ at ang mga gobernador, ang mga tagapayo, ang mga ingat-yaman, ang mga hukom, ang mga tagapagpatupad-batas+ at ang lahat ng mga administrador ng mga nasasakupang distrito upang pumaroon sa pagpapasinaya+ sa imahen na itinayo ni Nabucodonosor na hari.
-