-
Daniel 8:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging malakas, ngunit hindi sa sarili niyang kapangyarihan.+ At sa kamangha-manghang paraan ay manggigiba siya,+ at siya ay tiyak na magtatagumpay at gagawa sa mabisang paraan. At ipapahamak nga niya ang mga makapangyarihan, gayundin ang bayan na binubuo ng mga banal.+
-
-
Daniel 12:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 At narinig ko ang lalaking nadaramtan ng lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, habang itinataas niya ang kaniyang kanang kamay at ang kaniyang kaliwang kamay sa langit at sumusumpa+ sa pamamagitan ng Isa na buháy sa panahong walang takda:+ “Iyon ay magiging sa isang takdang panahon, mga takdang panahon at kalahati.+ At kapag natapos na ang pagdurog sa kapangyarihan ng banal na bayan,+ ang lahat ng bagay na ito ay darating sa kanilang katapusan.”
-