-
Isaias 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 At siya ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng mga bansa+ at magtutuwid ng mga bagay-bagay+ may kinalaman sa maraming bayan.+ At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.+ Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.+
-
-
Ezekiel 39:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 At ang mga tumatahan sa mga lunsod ng Israel ay tiyak na hahayo at magpapaningas at magpapaliyab ng mga apoy sa pamamagitan ng baluti at mga pansalag at malalaking kalasag,—sa pamamagitan ng mga busog at ng mga palaso at ng mga panudla at ng mga sibat; at sa pamamagitan ng mga iyon ay magpapaningas sila ng mga apoy+ nang pitong taon.
-
-
Zacarias 9:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 At tiyak na lilipulin ko ang karong pandigma mula sa Efraim at ang kabayo mula sa Jerusalem. + At ang busog para sa pagbabaka + ay puputulin. At siya ay magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa; + at ang kaniyang pamamahala ay magiging sa dagat at dagat at mula sa Ilog hanggang sa mga dulo ng lupa. +
-