45 Ngayon nang marinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang kaniyang mga ilustrasyon, napansin nila na siya ay nagsasalita tungkol sa kanila.+
18 At narinig ito ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at nagsimula silang maghanap ng paraan kung paano siya papatayin;+ sapagkat natatakot sila sa kaniya, sapagkat ang buong pulutong ay namamangha pa rin nang lubha sa kaniyang turo.+
19 At nais ng mga eskriba at mga punong saserdote na isunggab sa kaniya ang kanilang mga kamay nang mismong oras na iyon, ngunit natatakot sila sa mga tao; sapagkat nahiwatigan nila na inilahad niya ang ilustrasyong ito na sila ang nasa isip.+