7 “At tutuparin ko ang aking tipan sa pagitan ko at sa iyo+ at sa iyong binhi na kasunod mo ayon sa kanilang mga salinlahi bilang tipan hanggang sa panahong walang takda,+ upang ako ay maging Diyos sa iyo at sa iyong binhi na kasunod mo.+
42 At aalalahanin ko nga ang aking tipan kay Jacob;+ at maging ang aking tipan kay Isaac+ at maging ang aking tipan kay Abraham+ ay aalalahanin ko, at ang lupain ay aalalahanin ko.
31 Sapagkat si Jehova na iyong Diyos ay maawaing Diyos.+ Hindi ka niya pababayaan o ipapahamak o kalilimutan man niya ang tipan+ ng iyong mga ninuno na isinumpa niya sa kanila.
12 “At mangyayari nga na dahil patuloy ninyong pinakikinggan ang mga hudisyal na pasiyang ito at iniingatan ninyo at isinasagawa iyon,+ iingatan sa iyo ni Jehova na iyong Diyos ang tipan+ at ang maibiging-kabaitan na isinumpa niya sa iyong mga ninuno.+