Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 at ang aking bayan+ na tinatawag sa aking pangalan+ ay magpakumbaba+ at manalangin+ at hanapin nila ang aking mukha+ at tumalikod mula sa kanilang masasamang lakad,+ kung magkagayon ay diringgin ko mula sa langit+ at patatawarin ko ang kanilang kasalanan,+ at pagagalingin ko ang kanilang lupain.+

  • Awit 32:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas, at ang aking kamalian ay hindi ko pinagtakpan.+

      Sinabi ko: “Ipagtatapat ko ang tungkol sa aking mga pagsalansang kay Jehova.”+

      At pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan.+ Selah.

  • Kawikaan 28:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalansang ay hindi magtatagumpay,+ ngunit siyang nagtatapat at nag-iiwan ng mga iyon ay pagpapakitaan ng awa.+

  • Lucas 18:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ngunit ang maniningil ng buwis na nakatayo sa malayo ay ayaw man lamang itingala sa langit ang kaniyang mga mata, kundi patuloy na dinadagukan ang kaniyang dibdib,+ na sinasabi, ‘O Diyos, magmagandang-loob ka sa akin na isang makasalanan.’+

  • 1 Juan 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kung ipagtatapat natin ang ating mga kasalanan,+ siya ay tapat at matuwid upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kalikuan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share